

Blog mula kay Barcena, Gelicame, at Rabano
Ayon kay Nathaniel Barcena:
So sa una naming pag kain na kinain na kung tawagin ay “kwek-kwek” ay sulit na sulit dahil mura na masarap pa…. Sa halagang 3 piso ay makakabili kana ng iaang piraso siempre dipende na sainyo kung marame…. pero siempre damihan nyo na para hindi kapos… Sa halag ng itlog ngayon sulit na sulit na meron kapang madudutdutan… Sa pangalawa naman na kinain ko ay yung dinuguan katulad rin sa kwek kwek masarap na mura ito at mismong niluluto pa para mas masarap.
Habang papunta kami sa bbq masaya kame kase ang ingay ni joshue sinamahan pa ng biro ni Boss Marcus na sa ibang dumaan tas bumalik lang uli… Tas nung nandun na kame sa bbq nag si bilihan na kame nag tanong ako kung mag kano ang isng piraso ng dinuguan at ang sabe 5 piso lang kaya naenganyo akong bumili dahil mura lang at may dutdutan pa… Habang nag niluluto yung dinuguan ko nag libang muna kame at sumayaw sayaw panga kahit nakakahiya pero masaya… Tas biglang nag papadama na si kidlat pero dinedma ko lang… Tas biglang umambon na at nag alala ako kase mahirap kumain pag naulan tas dumating yung isang ate na may dalang pang silong ang cute lang nung aso dahil gusto nyang buhatin yung pang silong pero mabigay kaya hanggang kagat lang sya… Tas nung inaayos na yung pang silong biglang sumabit yung isang sauce kaya nalaglag nakakapanghinayang lang kase masarap panaman yung sauce madami panaman nasyang lang… tas naging okay na yung pagkain namin at kinuha na… Masarap sya lalo na pag sinamahan ng sauce at medyo ma juicy sya… Habang kumakain kame biglang mas lumakas pa lalo yung ulan sa puwesto namin kaya sumilong kame… Habang nakain kame hindi napansin ni kim yung bag nya na hindi nakasilong sa payung kaya sa pagtingin nya basang basa ang kanyang bag… Napagpasyahan namin na mag tungo sa tirahan ni Marcus subalit sa pag lalakad namin patungo sa kanilang tirahan ay bumuhos pa lalo ang malakas na ulan at matindi ang daloy ng tubig kaya sa pag lalakad naming iyon basang basa kaming lahat at ang ang mga sapatos ay basang basa pati ang medyas na pag piniga ay maraming tubig na babagsak…. At nakarating na kame sa tirahan ni marcus at nag patila ng ulan.
Ayon kay Marcus Rabano:
Kamusta mga mambabasa. Ito nga pala si Marcus Rabano na isa sa mga cast ng food vlog namin. Gusto ko simulan sa kwek kwek o yung piniritong pugo na binalot ng harina. Unang una ay maliit lang ang kada piraso at naghahalaga ng tatlong piso kada piraso. Abotkaya at kayang bilhin ng kahit sino, nagpapares siya sa sawsawan na maanghang na suka o pag mahilig ka sa matamis ay yung matamis ang iyong pagsawsawan. Ang masamang makukuha mo lamang sa pag kain ng kwekkwek ay mataas ito sa kolesterol at nakakasama sa iyong kalusugan kapag kumain ka ng madami. Ang isang pirasong pugo ay katumbas bg 6 na itlog kaya’y mabuting malaman ito ng lahat para mabawasbawasan ang pagkonsumo nila nito. Wala naman masama sa pagkain ng kwekkwek basta siguraduhin natin na hindi tayo kakain ng madami nito. Sa pangkalahatan mabibigyan ko ng score ang kwekkwek ng 7/10. Ang sunod naman na kinain ko sa Vlog ay ang Isaw. Maliit at abotkaya ang presyo. Masarap siya para sa mga taong mahilig sa bituka o atay. Minsan mapait minsan hindi. Gaya ng sinabi ko ng una masarap ito kapares ang suka na may sili o puwede rin wala. Wala din naman problema sa pagkain nito gaya nung sinabi ko tungkol sa kwekkwek sapagkat ito din ay nakakasama kapag madami ang nakonsumo kaya’y tayong lahat ay mabuting maging bukas sa mga ganitong mahahalagang impormasyon para tayo’y makaiwas sa ikasasama ng ating kalusugan. Sa pangkalahatan mabibigyan ko din ng grado ang isaw ng 7/10. Lagi natin tatandaan na lahat ng sobra ay nakakasama sa ating kalusugan.
Ayon kay Camille Gelicame:
Kamusta mga mambabasa! Ako nga pala si Camille Gelicame isa sa mga miyembro ng food blog namin. Uumpisahan ko ang experience sa naganap na blog noong sabado ika-12 ng Oktubre taong 2019 sa pag tikim ng dalawang putahe na patok na patok sa mga tao walang iba kundi ang kwek-kwek at barbecue. Ang prinitong itlog ng pugo na binalot ng harina ang isa sa mga kinagigiliwan ko lalo na ng iba pang tao dahil sa halagang tatlong piso ay makakabili kana at masusulit mo pa ang iyong pera. Marami ring nakahandang sawsawan na kung ano ang iyo ninanais. May matamis, maanghang, at sukang may sili o natural na suka lamang. O diba? Sa murang halaga ay mabubusog ka na! Ngunit, paalala lamang na huwag sobrahan ang pagkain neto dahil nagdudulot pa rin ito ng masamang epekto sa kalusugan. Maging sakto lang sa kinakain dahil tandaan “Ang sobra-sobra ay nakakasama.” Sumunod naman ay nag tungo kami sa Barbecue place na ipinagmamalaki sa amin ni Marcus. Hindi nga naman kami nagsisi dahil kahit may kalayuan ito ay tiyak na masusulit ang punta mo doon. Sa presyong limang piso makakabili at tikim ka na ng isaw, betamax at tenga. Kung gusto mo naman ay laman nagkakahalaga lamang ng 15 pesos. Masusulit at swak na swak sa badyet ng isang mag aaral kagaya namin nila Nathaniel at Marcus. Hindi kailangang maging maaksaya sa pera o maging sobra sa kinakain ang mahalaga ay magkalaman at mabusog sa tamang paraan. Walang labis at walang kulang.

https://www.youtube.com/watch?v=E8YaeANcMU4 “TIWA VLOGS”
Ipinasa ni Camille Gelicame, Nathaniel Barcena, at Marcus Rabano.
